Filipi2

Friday, March 31, 2006

Inhinyeriya

Ang inhinyeriya (mula sa Kastilang ingeniería) ay ang paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng kaalaman, matematika, at pratikal na karanasan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o proseso. Tinatawag na inhinyero ang mga propesyonal na nagsasanay sa inhinyeriya.


Inhinyeriyang Mekanikal

Ang inhinyeriyang mekanikal ay ang paglalapat ng mga pisikal ng prinsipyo sa paggawa ng mga napapakinabangang bagay, kasangkapan, at makina.

Agham

Ang agham (o syensya) ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraang nito. Ang prosesong makaagham (scientific process) ay ang sistematikong pagtamo ng bagong kaalaman tungkol sa isang sistema. Karaniwan, ang pamamaraang makaagham (scientific method) ay ang sistematikong pagtamo, at ang kalikasan at iba't ibang bahagi nito and siyang sistema. Ang agham ay itinuturing din na ang makaagham na kaalaman na sistemikong natamo ng makaagham na prosesong ito.
Mga sangay ng agham

Likas na agham (Natural sciences)

Pisika (Physics)
Akustika (Acoustics)
Astrodinamika (Astrodynamics)
Astronomiya (Astronomy)
Astropisika (Astrophysics)
Atomic, Molecular, and Optical physics
Biyopisika (Biophysics)
Pisika pangkomputasyonal (Computational physics)
Pisika ng kondensadong materya (Condensed matter physics)
Kriyonika (Cryogenics)
Dinamika (Dynamics)
Elektronika (Electronics)
Inhenyeriya (Engineering)
Daluying dinamika (Fluid dynamics)
Pisika ng materyales (Materials physics)
Matematikang pisika (Mathematical physics)
Mekanika kwantika (Quantum mechanics)
Mekanika (Mechanics)
Pisika nukleyar (Nuclear physics)
Optika (Optics)
Pisika ng partikula (o High Energy Physics) (Particle physics)
Pisika ng plasma (Plasma physics)
Pisika ng polimero (Polymer physics)
Dinamika ng Sasakyan (Vehicle dynamics)
Kimika (Chemistry)
Suriang kimika (Analytical chemistry)
Biyokimika (Biochemistry)
Kimikang pangkomputasyonal (Computational chemistry)
Elektrokimika (Electrochemistry)
Inorganikong kimika (Inorganic chemistry)
Agham ng materyales (Materials science)
Organikong kimika (Organic chemistry)
Pisikong kimika (Physical chemistry)
Kimika kwantika (Quantum chemistry)
Espektroskopiya (Spectroscopy)
Estereokimika (Stereochemistry)
Termokimika (Thermochemistry)
Agham pangmundo (Earth Sciences)
Heodesiya (Geodesy)
Heograpiya (Geography)
Heolohiya (Geology)
Meteorolohiya (Meteorology)
Oseyanograpiya (Oceanography)
Limnolohiya (Limnology)
Seismolohiya (Seismology)
Biyolohiya (Biology)
Agrikultura (Agricultural science)
Anatomiya (Anatomy)
Antropolohiya (Anthropology)
Astrobiyolohiya (Astrobiology)
Biyokimika (Biochemistry)
Biyoimpormatika (Bioinformatics
Biyopisika (Biophysics)
Palahalmanan (Botany)
Biyolohiya ng Selula (Cell biology)
Kladistika (Cladistics)
Sitolohiya (Cytology)
Biyolohiya sa Pagsulong (Developmental biology)
Ekolohiya (Ecology)
Entomolohiya (Entomology)
Epidemiyolohiya (Epidemiology)
Pag-inog (Evolution)
Biyolohiya sa pagsulong ng pag-inog (Evolutionary developmental biology)
Biyohiya sa tabang na tubig (Freshwater Biology)
Genetics (Population genetics, Genomics, Proteomics) (Henetika)
Agham pangkalusugan (Health Science)
Dentistri (Dentistry)
Medisina (Medicine)
Parmakolohiya (Pharmacology)
Toxikolohiya (Toxicology)
Medisina ng Hayupan (Veterinary medicine)
Histolohiya (Histology)
Imyunolohiya (Immunology)
Biyolohiyang pantubig (Marine biology)
Mikrobiyohiya (Microbiology)
Biyolohiyang pangmolekula (Molecular Biology)
Morpolohiya (Morphology)
Agham sa nerbiyos (Neuroscience)
Onkolohiya (the study of cancer) (Oncology)
Ontoheniya (Ontogeny)
Paleontolohiya (Paleontology)
Patolohiya (Pathology)
Fikolohiya (Algology) (Phycology)
Filoheniya (Phylogeny)
Pisyolohiya (Physiology)
Biyolohiyang pang-estruktura (Structural biology)
Taxonomiya (Taxonomy)
Toxikolohiya (Toxicology)
Virolohiya (Virology)
Zoolohiya (Zoology)

Agham panlipunan (Social sciences)

Anthropology
Archaeology
Ekonomiya (Economics)
Lingguwistika (Linguistics)
Etymology
Psychology
Behavior analysis
Biopsychology
Cognitive psychology
Clinical psychology
Developmental psychology
Educational psychology
Experimental psychology
Forensic psychology
Health psychology
Humanistic psychology
Industrial and organizational psychology
Neuropsychology
Personality psychology
Psychometrics
Psychophysics
Sensation and perception psychology
Social psychology
Sosyolohiya (Sociology)
Edukasyon (Education)
Social Work


Likas na agham (Natural sciences)

Pisika

Ang pisika o physics (mula sa Griyego φυσικός (fysikós), "likas; natural", and φύσις (fýsis), "kalikasan") ang agham ng kalikasan sa malawak na kaiisipan. Nauukol ito sa pag-aaral ng materya (matter) at enerhiya at ng mga pwersang pundamental ng kalikasan na bunga ng pagniniig ng mga partikula sa isa’t isa. Tinawag itong pilosopiyang likas (natural philosophy) hanggang sa dakong huli ng siglo disenuwebe. Nag-aaral ang mga pisiko ng malawak na kababalaghang pisikal mula sa mga partikulang sub-nukleyar na sangkap ng karaniwang materya (pisikang partikula, particle physics) hanggang sa kabuuan ng sanlibutan (kosmolohiya).
Makikita ang mga tuklas ng pisika sa lahat ng larangan ng agham ng kalikasan (natural sciences) dahil sa ang materya at enerhiya ang pinakapundamental na sangkap ng kalikasan. May ilang katangian na pinag-aaralan sa pisika tulad ng pagpapanatili ng enerhiya (conservation of energy) na karaniwan sa lahat ng sistemang materyal. Ang mga katangiang ito ay kalimitang tinatawag na mga batas ng pisika. Minsang nasabi na ang pisika ang “pinakapundasyong agham”, dahil sa ang ibang agham ng kalikasan (biyolohiya, kimika, heolohiya, atb.) ay tumutukoy sa mga partikular na uri ng sistemang materyal na sumusunod sa mga batas ng pisika. Halimbawa, kimika ang tawag sa agham ng molekula at mga kimika ang nabubuo sa bulto o lagom ng mga molekula. Ang katangian ng isang kimika ay inaalam sa pamamagitang ng katangian ng mga molekulang pumapaloob dito. Tumpak na maipaliliwanag ito sa pamamagitan ng pisika tulad ng mekanika kwatika, termodaynamiks, at elektromagnetismo.
Ang pisika ay napakalapit sa matematika – dahil sa ang matematika ang nagbibigay ng maayos na balangkas kung saan ang tamang pormulasyon at pagtaya ng mga batas pisikal ay tinutuos. Halos lahat ng mga hinuang pisikal (physical theories) ay ipinakikita sa paggamit ng matematika - na kalimitan ay gumagamit ng mas masalimuot na matematika kaysa ibang larangan ng agham. Ang kaibahan sa pagitan ang pisika at matematika ay ang ultimong mithiin ng pisika sa pagpapaliwanag ng materyal na mundo; ang mithiin naman ng matematika ay ang pagpapaliwanag ng mga padrong walang-anyo (abstract patterns) na masumpungan nito kahit anuman ito. Ang pagkakaiba ay di-malinaw. May malaking larangan ng pananaliksik sa pagitan ng pisika at matematika na tinatawag na matematikang pisika – na nakatututok sa pagpapaunlad ng estrukturang matematika ng mga hinuang pisikal.


Kimika

Kimika (o kemistri) ang tawag sa agham tungkol sa mga elemento at compound (kumpwesto) at kung ano ang gawain ng mga ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan.
Bilang isang agham, nagsimula ang maka-agham na pag-aaral ng kimika noong ika-16 na siglo. Ito ay noong natuklasan ng mga kimiko ang mga simpleng substance na bumuo sa iba pang substance. Tinawag nilang mga elemento ang mga simpleng substance na ito.
Ang compound (kompuwesto) naman ay isang substance na binubuo ng dalawa o higit pang mga elemento.

Kasaysayan ng kimika
Ang kasaysayan ng kimika ay sinasabing nagsimula ng ito'y ihiniwalay sa alkimiya ni Robert Boyle sa kanyang kathang The Skeptical Chymist (1661). Ngunit ito'y sinasabing tunay na sumilang nang matuklasan ni Antoine Lavoisier ang batas ng pagpapanatili ng bigat (law of conservation of mass) at gayun din sa kanyang hinuang phlogiston ng kombustyon noong 1783

Ang debate sa vitalismo at kimika organika
Nang mapagkasunduan ang likas ng kombustyon, isa na namang alitan ang lumitaw tungkol sa vitalismo (doktrina na lahat ng buhay ay may lakas ng buhay (kaluluwa) na nagpapakilos rito) at ang malinaw na pagkakaiba ng mga sustansyang organika at inorganika na iminungkahi ni Friedrich Wöhler mula nang aksidenteng siyang makagawa ng urea mula sa mga sustansyang inorganika noong 1828. Noong panahong iyon, ang isang kompuestong organiko ay di kailanman malalalang mula sa inorganikong materyal. Ito ay nagbukas ng bagong larangan ng pananaliksik sa kimika at nang bago matapos ang ika-19 na siglo, ang mga siyentipiko ay nakagawa ng daang-daang kompuesto kimika. Isa sa pinakamahalaga rito ay ang mauve, magenta at iba pang tinang sintetiko gayun din ang gamot na aspirin. Ang pagkakatuklas nito ang lubhang nakapagbigay sa hinua ng isomerismo.

Mga alitan tungkol sa atomismo
Sa buong ika-19 na siglo, ang kimika ay hinahati sa mga sumusunod sa hinuang atomiko ni John Dalton at di sumusonod dito tulad nina Wilhelm Ostwald at Ernst Mach. Kahit man ang mga siyentipikong ayon dito tulad nina Amedeo Avogadro at Ludwig Boltzmann na nakagawa ng malalaking unlad sa pagpapaliwanag sa ugali ng gas, ang alitang ito ay di nalutas haggang sa maipaliwanag ni Jean Perrin sa kanyang imbestigasyong eksperimental tungkol sa kilos Brownian na iminungkahi ni Einstein noong unang dekada ng ika-20 siglo.
Bago man malutas ang alitan, si Svante Arrhenius ay nagsimulang saliksikin ang loob ng estruktura ng atomo sa pamamagitan ng kanyang hinua sa ionisasyon. Ito ay ganap na pinalawig ni Ernest Rutherford, na nagtatag ng pag-aaral ng subestruktura ng atomo na naging larangan ng pisika. Siya ay tumanggap ng Premyong Nobel sa kimika, hindi pisika, sa pananaliksik na ito.

Talaang peryodiko
Sa maraming dekada, ang listahan ng mga elementong kimikal na natutuklasan ay patuloy na dumarami. Ang mahalagang pagkakatuklas ng katuturan ng humahabang listahan ng mga elemento ay nasumpungan ni Dmitri Mendeleev at Lothar Meyer sa pagsasaayos ng peryodikong talaan (kasama rito ang kalaunang pagkaunawa sa estruktura sa loob ng atomo). Ginamit ito ni Mendeleev upang hulaan na mayroong germanium, gallium at scandium sa kalikasan ni tinawag niyang ekasilicon, ekaaluminium at ekaboron sa bawat nabanggit. Kanya ring hinulaan ang mga katangian nito noong 1870. Ang gallium ay natuklasan noong 1875 at ang tunay na mga katangian nito ay halos katulad ng hula ni Mendeleev.

Pag-unlad ng industriya
Sa dakong huli ng ika-19 na siglo nakita ang pagmimina ng petrokimika mula sa lupa matapos maubos ang langis mula sa panghuhuli ng mga balyena nang mga nakaraang siglo. Ang sistamatikong produksyon ng mga dinalisay na materyales mula rito ay nagdulot ng mga produkto upang matugunan ang pangangailangan sa enerhiya gayun din ang sintetikong materyales na kailangan sa paggawa ng damit, gamot, at mga kailangan sa pangaraw-araw ng ika-20 siglo.

Kimikang pisikal
Ang pag-aaral ni Rutherford ng loob na estruktura ng mga atomo, sistematikong pagpapaliwag ni Moseley sa kalakaran ng peryodikong talaan ng mga elemento at ang bagong hinua sa mekanika kwantika ay nagsanib upang makabuo ng lagom ng hinua sa pagitan ng pisika atomika at pisika subatomika sa isang dako, at ng kimika sa kabilang dako (ito ay hiwalay magpahaggang ngayon). Isang batang kimikong Amerikano na nagngangalang Linus Pauling ang nangimbang bayan sa Europa upang mag-aral noong 1920s. Ambisyon niyang ipaliwanag ang kawing molekular (molecular bonds) sa pagitan ng mga atomo sa loob ng mekanika kwantika. Noong 1939, nagampan ito ni Pauling nang ilathala niya ang kanyang seminal na aklat-aralin na pinamagatang The Nature of the Molecular Bond(Ang Likas ng Kawing Molekular). Sa kanyang pagkakabantog sa gawang ito, si Pauling ay ginawaran ng una sa dalawa niyang Premyong Nobel.
Sa ilalim ng pikisang atomika at gayun din sa pisikang subatomika, sina Marie at Pierre Curie naman ay nanaliksik sa hanggahan ng kimika at pisika sa paggamit ng teknikang kimika upang dalisayin ang elementong radium at mapag-aralan ang kanyang kakaibang katangiang pisikal. Ang pananaliksik na ito ng mag-asawang Curie sa pagpapalit ng siglo at kasabay nang naunang gawa ni Max Planck sa fotón at unang lathala ni Albert Einstein ay nagdulot sa kalaunang unlad sa bagong pisikang subatomika katulad ng nangyari sa gawa ni Rutherford.
Sa pagdatal ng ika-20 siglo, ang pagsasama ng pisika at kimika ay naging ganap sa pagpapaliwanag ng katangiang kimikal bunga ng estrukturang elektroniko; sa paggamit ng simulain ng mekanika kwatika upang malaman ang mga anggulo ng kawing (bond angles); sa mga masasalimuot na molekula ay humantong sa paggawa ng modelo ng molekula ng DNA, na sinasabing diwa o lihim ng buhay ayon sa mga salita ni Francis Crick. Si James Watson na kasamang tumuklas sa estruktura ng DNA ay binigyan ni Crick ng isang regalo na pagyayamanin niya na walang iba kundi ang aklat na isinulat ni Pauling. Hinuling nina Watson at Crick ang estruktura ng DNA sa pamamagitan ng paggawa ng modelo nito. Ang estrukturang helika ay kasabay na kinumpirma ni Rosalind Franklin sa pamamagitan ng kristalograpiyang x-ray sa laboratoryo ni William Bragg sa Cambridge. Muntik nang matuklasan ni Pauling ang estruktura ng DNA. Helikang triple ang kanyang palagay na estruktura nito at hindi ang tamang helikang doble ni Watson at Crick. Sa taon ding iyon, ipinakita ni Miller-Urey sa kanyang eksperimento ang batayang sangkap ng proteina, ang mga asido amino (amino acids), ay mabubuo mula sa payak ng molekula sa paggaya sa mga sinaunang proseso sa paglalang nito sa Lupa.

Proseso sa paggawa ng semikonduktor
Sa kaligitnaan ng ika-20 siglo, ang tamang paggawa ng sirkwito ng isahing kristal (single-crystal circuits) ay nagampan dahil sa pagsupil ng estrukturang elektroniko ng mga materyales na semikonduktor. Ang mga unlad sa teknolohiya ng pagproseso tulad nang mga ginagamit sa ibang industriya ng materyales kasama ang mga unlad sa mga simulain ng optiks at x-ray ay nagbunga sa pagpapaliit ng sirkwito ng koryente at sa paglalang sa sirkwitong pinagsama (integrated circuits) ng ika-20 siglo. Kundi rito ang lohikang programa ng kompyuter ay di maisasakatuparan at magagamit sa pagtutuos and pagsupil ng mga modernong aparatong gumagamit nito.

Mga batas
Ang batas ng pagpapanatili ng bigat (conservation of mass) ay ang pinakapundamental na konsepto sa kimika. Sinasaad rito na walang mapapansing pagbabago sa kabuuang bigat sa mga karaniwang kimikang pagsasanib. Sa makabagong pisika, iyong makikita na ang enerhiya ang talagang pinananatili (at hindi ang bigat) at ang enerhiya at bigat ay napagpapalit-palit. Ang konseptong ito ay mahalaga sa kimikang nukleyar. Ang pagpapanatili ng enerhiya naman ay nagdudulot sa mga mahahalagang konsepto tulad ng ekilibriyo, termodaynamiks at kinetiks.
Marami pang mga batas ang nagpapalawig sa batas ng pagpapanatili ng bigat. Ang batas ng pagtatakda ng komposisyon (definite composition) ni Joseph Proust ay nagsasabi ng ang dalisay na kimika ay binubuo ng mga elemento nang may itinakdang pormulasyon. Alam natin na ang kaayusang estruktura ng mga elemento ay mahalaga rin.
Ang batas ng proporsyonadong pagpaparami (multiple proportion) ni Dalton ay nagpapakita na ang mga kimika na may proporsyon ay gumagamit ng maliit na buong bilang (tulad ng 1:2 O:H sa tubig). Sa mga biyomolekula at kimikang mineral ang mga ratio ay malimit na gumagamit ng malalaking bilang.
Ang mga higit na modernong batas ng kimika ay nagtatakda sa relasyon sa pagitan ng enerhiya at ng transpormasyon.
Sa ekilibriyo, umiinog ang mga naghahalong mga molekula na itinakda ng mga posibleng transpormasyon ayon sa tagal ng ekilibriyo, at sa ratio na itinakda ng angking enerhiya ng mga molekula – mas mababa ang anking enerhiya, mas marami ang molekula.
Ang tranpormasyon ng isang estruktura ay nangangailangan ng karagdagang enerhiya upang matawid ang balakid na enerhiya (energy barrier). Maaring manggaling ito sa angking enerhiya ng mga molekulang kasangkot o sa labas na kalimitan ay magpapabilis ng transpormasyon. Mas mataas ang balakid na enerhiya, mas mabagal naman ang pagbabagong mangyayari.
May isang hipotetikong intermedyo o estrukturang pangtransisyon na kaangkop sa estruktura sa rurok ng balakid na enerhiya. Sinasabi ng [[[Hammond-Leffler Postulate]] na ang estrukturang ito ay kahalintulad ng produkto o simulang materyal na may anking enerhiyang napakalapit sa balakid na enerhiya. Ang isang paraan upang magampan ang katalisis ay patatagin ang hipotetikong intermedyong ito sa pamamagitan ang kimikang pagniniig nila.
Nababaliktad ang lahat ng prosesong kimikal (ayon sa batas ng mikroskopyong pagbabaliktad [microscopic reversibility]) subalit may mga ilang proseso na may kiling sa enerhiya na sa dakong huli ay masasabing di-baliktarin.

Mga pinag-aaralan sa kimika
Atomo
Kompuwesto (Compound)
Elemento
Iono
Isotope
Halo (Mixture)
Molekula
Partikula
Plastik (Plastiko)
Polimero (Polymer)
Sustansyang kimikal (Substance)
Pagbabagong pisikal
Pagbabagong kimikal
Katangiang pisikal
Katangiang kimikal
Makaagham na pamamaraan o Siyentipikong metodolohiya
SI base unit
Pormulang kimikal (Chemical formula)
Kawing kimikal (Chemical bond)
Ekwasyong kimikal (Chemical equation)
Reaksiyong kimikal (Chemical reaction)
Mga Karaniwang Hinua Tungkol sa Asido-Beis (Common Acid-Base Theories)
Tingnan din
Talaang Peryodiko (Periodic Table))
Listahan ng mga karaniwang elemento
Karaniwang aparatong pangkimika
Paraang panlaboratoryo (Laboratory techniques)
Paraang kimikal (Chemical techniques)
Suriang kimika (Analytical chemistry)
Kasaysayan ng kimika
Hinua sa estrukturang kimikal (Structural theory)


Agham pandaigdig

Ang agham pandaigdig ay tumutukoy sa lahat ng mga agham na may kaugnayan sa planetang Daigdig. Maaaring sabihin na isang natatanging kaso sa agham pang-planeta ang agham ng mundo, dahil ang Daigdig lamang ang planetang kilala na may buhay. May parehong reduksyonista at holistiko sa pag-aaral ng mundo. Ginagamit ang ibang disiplina katulad ng pisika, matematika, kimika at biyolohiya upang makabuo ng pangunawang kantidad sa mga espera ng daigdig:
Sinasakop ng heolohiya ang mabatong parte ng daigdig (o lithosphere) kasama ang kalagitnaan ng planeta, mantel at ibabaw na sapin sa mundo. Nasa ilalim ng pag-aaral ng heolohiya ang mga displinang heopisika, heokimika, paleontolohiya, mineralohiya, inhinyerong heolohiya, at sedimentolohiya.
Pinapaliwanag ng osyanograpiya at limnolohiya ang mga matubig na bahagi ng daigdig (o hydrospera) katulad ng karagatan, dagat, lawa at ilog. Kabilang nito ang mga disiplinang pisikal, kimikal, biyolohikal na osyanograpiya.
Sinasakop ng agham pang-atmosperika ang mga bahaging alangaang sa daigdig (o atmospera).
Sinasakop ng glasyolohiya ang mga mayelong parte ng daigdig (o cryospera).
Dahil sa maramihang interaksyon sa pagitan ng mga spheres, naging interdisiplinaryo ang pag-aaral nito:
Sinusunod ng biyoheokimika at heomikrobiyolohiya ang pagikot ng mga elemento sa pamamagitan ng mga espera na dumadaan sa prosesong biyolohikal at heolohikal, at lalo na sa pamamahagi at pagbuhos sa pagitan ng mga imbakan.
Ginagamit ang paleosyananagrapiya at paleoklimatolohiya ang katangian ng mga latak, yelong buod, o materyal na biyolohikal para mahulaan ang mga nakaraang estado ng mga karagatan, atmospera o klima.
At saka, pinagaaralan ang buong daigdig bilang isang sistema sa mga makabagong displina na kilala bilang agham ng sistema ng mundo:
Pinapaliwanag ng meterolohiya ang pag-aaral sa taya ng panahon na base sa interaksyon ng karagatan at atmospera.
Pinapaliwanag ng klimatolohiya ang klima sa interaksyon nito sa pagitan ng mga espera.
Pinapaliwanag ng mga teoryang Gaia ang katangian ng sistema ng daigdig sa impluwensiya nito sa biospera.
Katulad ng mga ibang dalubhasa sa agham, ginagamit din ang makaagham na pamamaraan ng mga dalubhasa sa agham ng mundo. Binubuo nila ang mga ipotesis pagkatapos ng obserbasyon at pagkuha ng mga datos tungkol sa mga likas na pangyayari at saka sinusubok ang mga ipotesis. Sa agham ng mundo, kadalasan malaki ang ginagampanan ng datos sa pagsubok at pagbuo ng ipotesis. Nakakatulong sa mga dalubhasa sa agham at kakayahang maipaliwanag ang nakaraan at maaaring hinaharap na kalagayan ng sistema ng daigdig ang sistemang paraan, na sa pamamagitan ng pinagsamang paggamit ng mga kompyuter model bilang ipotesis na sinubok ng mga global na satellite at datos sa barko.


Biyolohiya

Biyolohiya ay ang pag-aaral sa ating kapaligiran at ang lahat ng nabubuhay sa ating kalikasan tulad ng tao, hayop, kulisap, at mga halaman. Nahahati ang biyolohiya sa dalawang malalaking pangkat: soolohiya at botanika. Karaniwang nakatuon ang biyolohiya sa soolohiya , samantala naman ay itinuturing na sariling disiplina ang botanika. Iisa lamang ang nag-uugnay sa dalawang pangkat na iyon. Iyon ay ang pagkakaroon ng buhay at ang pangalawa ay ang pagkakaroon ng mga selula sa katawan ng mga panag-aaralan nito.

Sangay ng biyolohiya
Anatomiya (Anatomy)
Araknolohiya (Arachnology)
Astrobiyolohiya (Astrobiology)
Bioinformatics
Birolohiya (Virology)
Biyoheograpiya (Biogeography)
Biyokimika (Biochemistry)
Biyopisika (Biophysics)
Botanika (Botany)
Cytology
Dendrology
Developmental biology
Ekolohiya (Ecology)
Embriyolohiya (Embryology)
Entomolohiya (Entomology)
Ethology
Evolutionary biology
Henetika (Genetics) / Genomics / Proteomics
Herpetology
Histology
Human biology / Antropolohiya (Anthropology) / Primatology
Iktiyolohiya (Ichthyology)
Limnology
Malacology
Mammalogy
Marine biology
Microbiology / Bakteryolohiya (Bacteriology)
Molecular biology
Mycology / Lichenology
Nematology
Ornitolohiya (Ornithology)
Palaeontology
Phycology
Phylogenetics
Pisyolohiya (Physiology)
Plant pathology
Soolohiya (Zoology)
Taksonomiya (Taxonomy)



Agham panlipunan (Social sciences)

Antropolohiya

Ang antropolohiya (anthropology) (mula sa salitang Griyego na anthrop o anthropo "pagiging tao" + logia "salita" ) ay ang pag-aaral sa lahi ng tao (tignan ang genus Homo). Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon, at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri (species) sa isang unibersal na kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo (at ating sarili) na nakabatay sa gayong simbolo.

Ekonomiks
Kinakikitaan ang pahinang ito ng isa o higit pang sabi-sabi. Iminumungkahi na palitan ang istilo ng pagkakasulat upang mabigyan ng pagkakataon ang mambabasa na malaman ang kredibilidad ng reperensya o sanggunian

Ang ekonomiks o ekonomiya ay ang agham panlipunan na pinag-aaralan kung papapano ginagamit ng lipunan ang kanilang may hangganang yaman upang matustusan ang mga ninanais at kinakailangan. O kaya, pinag-aaralan ng ekonomiya kung ano, paano, at para kanino ang mga binubungang produkto ng lipunan. Sinasangkot nito ang pagsusuri ng produksyon, pamamahagi at pagkonsumo ng mga produkto at paglilingkod.
Nagsisimula ang ekonomiya sa premiso na kakaunti ang kayamanan at kailangan mamili sa pagitan ng mga alternatibong paligsahan o kumpetisyon. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng ekonomiya ang mga tradeoff. Sa kakulangan, mangangahulugang kung pumili ng isang alternatibo, sinusuko ang isang pang alternatibo - ang halaga ng pagkakataon. Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nakikipagpaligsahang alternatibo. Sa karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado at nakaplanong ekonomiya, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa pamamagitan ng kaugnay na halaga.
Sinasabing positibo ang ekonomiya kung sinisubok nito na ipaliwanag ang mga kinalabasan ng iba't ibang pinili sa isang bigay na pinalagay na totoo, at normatibo kapag nagbibigay ito ng gabay sa kilos ng isang tiyak na daan.
Malawak na nahahati sa dalawang pangunahing sangay ang mga paksa sa ekonomiya: mikroekonomika, na binibigyan pansin ang mga kanya-kanyang ahente, katulad ng mga sambahayan at bahay-kalakal, at makro-ekonomika, na kinukunsidera ang ekonomiya bilang buo. Tumatanggap ng partikular na pansin ang mga aspeto sa ekonomiya na paglalaan ng yaman, produksyon, pamamahagi, pakipagkalakalan, at kompetisyon. Maaari na ang ekonomiya sa prinsipyo, at patuloy na dumadagdag, na ilapat sa kahit anong suliranin na sinsangkot ang pagpili sa ilalim ng kakulangan.
Nasa gitna ang pagkaunawa sa mga pinili ng mga indibiduwal at groupo. Naniniwala ang mga ekonomista na mahalaga ang ginagampanan sa paghubog sa paggawa ng pasya ang mga pamukaw at ninanais. Mula sa pagiisip ng Utilitaryanistang paaralan ng pilosopiya, ginagamit ng ekonomiya ang pagiisip na mapanuri, bagaman nagbigay lugod ang mga ekonomista na maaari na di adaptahin ng lipunan ang mga layunin ng utilitaryanista. Isang halimbawa ng ganitong kaisipan ang utilidad, na pinapalagay na totoo ang maging paraan na sa pamamagitan ng mga gumagalaw na indibiduwal sa ekonomiya pinapasya kung ano ang "nagpapaligaya" sa kanila at kung anong desisyon ang kanilang gagawin para ipagpatuloy ang kanilang kaligayahan.
Natukoy ang ekonomiya bilang "ang malungkot na agham". Unang binansagan ito ni Thomas Carlyle na pinaboran ang isang sistema ng ekonomiya na nakabase sa pagkaalipin, upang tanggihan ang mga nangungunang ekonomista noong dekada 1840, na tipikong libertaryo na sumasalungat sa pagkaalipin. Ngayon, kadalasang ginagamit ito para banggitin ang pabibigay diin sa kakulangan sa ekonomiya.

Linggwistika
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon.Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat.

Ang linggwistika ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang linggwista ang mga dalubhasa dito. Maaaring isadiwa ang pag-aaral ng linggwistika sa tatlong malalaking aksis, isinisalarawan ang kanyang mga dulo ng sumusunod:
Synchronic at diachronic - Binabahala ng synchronic na pag-aaral ng wika ang kanyang anyo sa isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diachronic na pag-aaral ang kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa palipas ng panahon.
Teoretiko at nilapat - Binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para isalarawan ang kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala ang nilalapat ng linggwistikang nilapat ang mga teoriyang ito sa ibang larangan.
Kontekstwal at malaya - Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan. Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na wika.

Sosyolohiya

Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na binibigkis at hinihiwalay ang mga tao di lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang kasapi ng mga asosasyon, grupo, at institusyon.
Tinatawag ito sa isang kahulugan sa tipikong aklat na ang pag-aaral sa mga buhay panlipunan ng mga tao, grupo, at lipunan. Interesado ang sosyolohiya sa ating paguugali bilang nilalang na marunong makisama; sa ganitong paraan sinasakop ng nagustuhang larangan sa sosyolohiya mula sa pagsusuri ng maiikling pakikitungo sa pagitan ng di magkakilalang indibiduwal sa daan hanggang sa pag-aaral ng proseso ng pandaigdigang lipunan.

Edukasyon

Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na di masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.

Retrieved from "http://tl.wikipedia.org/wiki/Agham"

Wednesday, March 29, 2006

Ang Tagasulat ng Liham
Dinudumog siya ng mga tao
Hindi tiyak kung lahat sa kanila'y
hindi marunong magbasa't magsulat.
Tahimik siya
sa pagkikinig
sa mga salitang humihiling
na maisatitik.
Pinatawad na kita
kung di man,
Patawarin na sana ako.
Isinisilid
sa sobre. Papatkan ng kandila.
hindi seselyuhan.
Pagsapit ng a la sies, sinisilaban niya
ang mga lihim. Minamasdan ang ang pagsasaabo.
Matagal nang ganito ang ginagawa niya.
Minsan, may mangilan-ngilang nakararamdam..........
Maaaring hindi natanggap ang liham.
Wala silang magawa.
Minsan, hindi tama
kung pumasalangit ang usok
Salamin
Hiram ang bawat sandali ng pagsulyap niya
sa salamin. Hindi niya mapigilang
tingnan ang sarili.
Pinagmamasdan
habang yakap
at sinisiil ng halik
ng katalik.
Siyang nagmamasid, tinititigan pabalik
ng pinagmamasdan. May pag-uusig
ang tingin na agad niyang babawiin.
At makahaharap niya ang katalik.
Mapapapikit.
Kakalas siya sa halik. Kailangan niyang
makita ang salamin.